Wednesday, November 27, 2013

Singapore and Malaysia with Sheila and Jovy

After Yolanda, hindi ko na naupdate ang blog ko. Pasensya na at naging super busy naman ata ako. Sana ay makahabol pa ako sa mga kwentos ko dahil ang dami nang pending haha.

Let me start with our Singapore trip with my thesis buddies last Nov 2013. O diba super tagal na?!

Share ko na lang most of the pics. We got the cebupac ticket at 2,500 pesos ni Hun nun. Kaso di sya nakasama buti naibook ko din ang dalawa kong kaibigan at 7,000 pesos, hindi na din masama diba? I think 40-50% off din yun.

Sa accommodation, we have our college friends dun so nakitira lang kami. Wala kami masyadong  detail itinerary dito kasi since may mga tour guide na kami courtesy of Lui, Mimi, Rod, Irish, Mark and Diane - so sila na ang bahala sa amin. Pinagkatiwalaan namin sila? Oo naman.. ;-)




Universal Studios Singapore
at Yishun train station

Thanks Mark and Lui for showing us USS
At yellow cab
Songs of the sea free version
Sentosa boardwalk
Roller coaster under maintenance

Singapore flyer at the back
At the Merlion park
Marina bay hotel

Feeling scared

Segway experience

Cable car experience


At Sentosa bay
Songs of the Sea
Buying pasalubongs at Bugis 
Mimi and Rod at Gluttons


JCO Invasion at Malaysia
Little Ben and Iris(Buntis ka na pala dito) at the Red House
at Clarke quay 


Coffee at Orchard road


Thanks to our host Lui


It was indeed a happy experience for us. It is my first international experience. Wala man si Hun, I have my best buddies to be with. Ang gusto ko sa Singapore ay ang kanilang disiplina sa sarili, at magandang transportasyon.  Yun nga lang mahal ang cost of living dito, mahal ang bahay at mga pagkain. Syempre Good service comes with a price. 

Monday, November 11, 2013

How to donate typhoon Yolanda/Haiya victims thru Kapuso Foundation?

 The GMA Kapuso Foundation Office receives monetary and material donations. 

For 
monetary donation, the Foundation accepts cash or check which can be personally delivered to the GMAKF Office or deposited in its bank accounts. An official receipt is automatically issued for donors who bring their cash donation to the GMAKF Office. For cash deposits, the donor is requested to fax or email a bank transaction slip indicating intended recipient and contact details for sending of official receipt.

Email: gmaf@gmanetwork.com
Telefax: (632) 9284299 / 9289351


The GMAKF also accepts donation through  
CEBUANA LHUILLIER , all branches nationwide.

METROPOLITAN BANK & TRUST COMPANY (METROBANK)
Peso Savings
Account Name      : GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number   : 3-098-51034-7
                               : 3-098-51566-7

Dollar Savings    
Account Name      : GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number   : 2-098-00244-2
Code                      : MBTC PH MM


UNITED COCONUT PLANTERS BANK (UCPB)
Peso Savings
Account Name      : GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number   : 115-184777-2
                               : 160-111277-7

Dollar Savings
Account Name      :  GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number   :  01-115-301177-9                                                 
                               :  01-160-300427-6
Code                     :  UCPB PH MM
PHILIPPINE NATIONAL BANK (PNB)
Peso Saving
Account Name      : GMA Kapuso Foundation, Inc
Account Number   : 121-0032000-17

Dollar savings
Account Name      : GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number   : 121-0032000-25
Code                      : PNB MPH MM
       
BANCO DE ORO (BDO)
Peso Savings
Account Name      : GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number   : 469-0022189

Dollar Savings
Account Name      : GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number   : 469-0072135
Code                      : BNORPHMM

credits to http://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/aboutus/donate/

How to donate typhoon Yolanda/Haiya victims thru Sagip Kapamilya?


Sagip Kapamilya accepts donations in cash or in-kind.

IN-KIND DONATIONS

For donations in kind, you can drop them off at:
Sagip Kapamilya Warehouse
#13 Examiner St. West Triangle, Quezon City

CASH DONATIONS

For cash or cheque donations, you may go to:
ABS-CBN Foundation, Inc. Bldg.
Mother Ignacia Avenue corner E. Lopez St. Brgy. South Triangle, QC
Office tel. no: +632-411-4995 or +632-415-2272 loc 3765

or deposit to the following SAGIP KAPAMILYA Bank Accounts:

Peso Account
Bank Name: BANCO DE ORO
Bank Account No: 393- 011-4199
Bank Account Name: ABS-CBN Foundation Inc. - Sagip Kapamilya
Branch:Sct. Albano, Quezon Avenue, Quezon City
Swift Code: BNORPHMM

Dollar Account
Bank Name: BANCO DE ORO
Bank Account No: 393-008-1622
Bank Account Name: ABS-CBN Foundation Inc. - Sagip Kapamilya
Branch:Sct. Albano, Quezon Avenue, Quezon City
Swift Code: BNORPHMM

Peso Account
Bank Name: BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS
Bank Account No: 305-111-2775
Bank Account Name: ABS-CBN Foundation Inc. - Sagip Kapamilya
Branch:West Triangle, Quezon City
Swift Code: BOPIPHMM

Dollar Account
Bank Name: BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS
Bank Account No: 3054-0270-35
Bank Account Name: ABS-CBN Foundation Inc. - Sagip Kapamilya
Branch:West Triangle, Quezon City
Swift Code: BOPIPHMM

Peso Account
Bank Name: PHILIPPINE NATIONAL BANK
Bank Account No: 419-539-5000-13
Bank Account Name: ABS-CBN Foundation Inc. - Sagip Kapamilya
Branch:Timog, Quezon City
Swift Code: PNBMPHMM

Dollar Account
Bank Name: PHILIPPINE NATIONAL BANK
Account Number: 419-539-5000-21
Account Name: ABS-CBN Foundation, Inc.-Sagip Kapamilya
Branch:Timog, Quezon City
Swift Code: PNBMPHMM

Peso Account
Bank Name: METROBANK
Account Number: 636-3-636-08808-1
Account Name: ABS - CBN Foundation, Inc. - Sagip Kapamilya
Branch: Examiner Quezon Ave. Branch
Swift Code: MBTCPHMM

* For confirmation of donation, please fax (+632-411-4995) or email (sagip@abs-cbn.com) copy of transmittal/ transaction slip with complete donor's information.

How to donate typhoon Yolanda/Haiya thru victims Red Cross?

Here's how to donate on Philippine Red Cross






How to help Typhoon Yolanda/Haiyan victims thru Cutie Friends of Maja Salvador?



After four days nakausap na din namin yung friend namin from Tacloban. Thank God they survived the typhoon - nothing left on them kundi ang damit nilang suot. Walang bahay, walang gadget, walang makain at mainom. Sugatan at may mga sakit ang mga tao dun.

Me and my friends initiated a project to help the devastated TACLOBAN via SAGIP AKLAN. All donations will be directly proceeds to TACLOBAN people.

For in kind donation, please PM me for details. Better to share sana yung tinapay, cannedgoods na madaling buksan, TUBIG, basic na gamot (bioflu, biogesic, robitusin), panlinis ng sugat, kandila/posporo, kumot at body bags. Yan po ang pinaka kailangan nila ngayon.

Para sa Cash donations:
Bank Account:
BPI
Rhojane S. Malabed
277-907-3184
Savings Account
Peso Account
Vito Cruz Branch

For Western Union, Cebuana, Mlhulier, Palawan, Xoom and Other Money Transfers:

Kristine V. Sumugat
2422-A Singalong Street Malate Manila, 1004, Philippines
0916-7070311
kristine.sumugat@yahoo.com

Mary Grace L. De Castro
71 Diwa St. 8th Ave. West Caloocan City
0927-8546723

Thank you guys in advance.

Lets PRAY, ACT and GIVE for LEYTE. If other nations can, then we can also do something for our fellow countrymen.

#tindogTACLOBAN

Sunday, October 27, 2013

Photography 101 at Coron

Yes, it is our second time in Coron. This time kasama namin ni Hun ang aking baby na si Otle. She is a good friend of mine way back in high school. Balikbayan eh! Sabik sa dagat!? We booked our ticket at 1,400 pesos roundtrip at Cebupac. Libre nya ang ticket namin turuan lang daw sya ni Hun magphotography - kaya ganyan ang title ng post ko na ito.

We stayed at Sea Coral Lodge (dito kasi nagstay si Drew Arellano in one of his Byahe ni Drew episode) so dito din kami nagbook ng accommodation. We recommend them for budget conscious but magandang accomodation sa Coron. Malapit lang din sya sa palengke at mga kainan so hindi na kami sumasakay ng tricycle sa ibang mga lugar.  Since pangalawang beses na namin ito - alam na namin ang mga best spot sa Coron. We hired Coron Wonders para sa aming tours since subok na namin sila Ms. Rina and Mang Nards. Pinili namin ang private tours para hawak namin ang oras namin. Last time kasi may mga iba kaming kasama - saling pusa lang kami so alam namin ang difference. Mas comfortable kami syempre pag private tour.

Here are the pictures:
Photography 101

Lobster at Seafood dive resto
Thanks by for this trip


Mha and By

Coron Municipal hall
On the way to top of Mt. Tapyas
Maquinit hot spring


Coron signage
Mt Tapyas Cross
Ygy Ann
Mhaby 
Coron's trademark pic

our lunch at Banol beach

Banol beach kubo

Snorkeling at siete picados


those were the days
Twin Lagoon

Twin Lagoon

Kayangan lake

Gustong gusto ko talagang tourist destination ang Coron next to Bohol. Ang bait kasi ng mga tao dito, Good thing nakabalik ako dito dalawang linggo bago masira ng bagyong Yolanda. This was written today, April 29, 2015. Super tagal na no? Ang dami kasing nangyari - hindi ko naasikaso ito nung nag Yolanda. Di bale babawi ako.. :)

Wednesday, August 7, 2013

100 on 100th month

100 photos for 100 months together... Started as friends then became a couple. We may not be the perfect couple; we had some differences as others do but we still chose to stick together. With these 100 pictures from the past year reminding us that what we had been through the years, we both grew from the experiences we had.  We once lost each other but we still find our way home. I don’t believe in promises because those were made to be broken. Let’s not ask for a sign if we are destined for ever. Let’s work this out and seek for God’s guidance that this love and relationship be forever.


You might not see this - but it doesn't matter. Just want to post this anyway.

Monday, July 29, 2013

Citibank Freebies

Sa loob ng tatlong araw, naka 2 freebies ako sa Citibank. Una, I got free oven toaster dahil bumili kami ng worth 25k sa isang store. Na-stress pa nga ako dito dahil di agad sinabi nung Sales agent. Tinawag ko lang hehe! eto sya oh!

Next naman I got this treat ulit from Citibank for only 2.00... I got 3 boxes, I gave one box for my friend Laurene, yung natira dinala ko sa office namin. E di dalawang gabi din naming itong kinain dahil apat ang laman ng isang box. Dalawang flavors sya, isang hazelnut at pistachio. :-) Sarap ng libre hehe!


Wednesday, July 24, 2013

Enchanting Bohol: Marine life

Saktong 5:00 ng umaga nagising ako sa alarm ko dahil 6 am ang call time ng bangka. Hahanapin ko pa si kuya at ang bangka nya.At dahil alam kong matagal bumangon si Regil nauna na akong mag ayos ng gamit na dadalhin namin. Pasado 5:30 na kami nakadating sa may restaurant ng resort. Yehey! Buffet breakfast ito - dati kasi plated breakfast lang samin e. Ang menu ay: 
  • Lugaw para sa sabaw
  • Daing na bangus
  • Itlog (choice mo kung sunny side up, scrambled or may onions at kamatis)
  • Tinapay (butter and jam)
  • Kapeng Barako or Orange juice

Ang sarap lahat ng pagkain pero parang di lang bagay ang lugaw para sa sabaw. Sana corn and mushroom, chicken soup or iba pa. Kanin din kasi yung lugaw diba?

Saktong 6am, tapos na kami kumain, hinanap na namin ang bangka namin. Lumakad kami sa kaliwang bahagi ng resort. Bawal kasi magpark ang mga bangka sa tapat mismo ng Dumaluan na isang magandang dahilan para mapanatili ang ganda ng harapan nila. Sabi ni ate Kathy nung gabi hanapin daw namin si Marven at Marie ang pangalan ng bangka namin. Nakita naman nya agad kami kaya pumunta na kami sa bangka namin. 


Saan kami patungo?

Una naming ginawa ang Dolphin watching, pagdating namin dun ang dami nang bangka siguro around 30-50 boats ang nandun. Kung sila hinahabol nila ang appearance ng dolphins, kami nakatahimik lang sa isang  gabi, twice sila lumitaw sa tabi ng boat namin... sobrang lapit nila at ang laki! haha! Hindi ko na napicturan ang bilis din kasi nila e. 

Umalis na din kami agad kasi ng qouta naman na kami sa dolphins, last na punta kasi namin napakalayo nila kaya di ko na din halos nakita. Buti this time sila na ang lumapit sa boat namin.

Pumunta na kami sa Balicasag - eto pinakafavorite kong part ng tour eh. Mag snorkeling! :-) Bumaba muna kami sa isla para ilagay ang mga gamit namin at umorder ng 2 pang aqua shoes para kina nanay.
Excited na sila oh!

 Tapos hinatid na kami ng mas maliit na bangka sa site. Dati hindi ganun, di na nga kami nagrent ng bangka na maliit e. basta baba na lang kami sa bangka - kaya siguro nasira ang mga corals dahil dun. Pinagkaiba lang nung huling pumunta kami may mga corals pang malalaki, ngayon wala na. :-( 
picture picture muna bago magpakain ng mga isda

Napakadami pa ring isda. Bawal daw kasing manguha dun. May tour guide kaming kasama si kuya Jovert, tourguide/bangkero/lifeguard/photographer ang peg ni kuya! Ang tagal nya sumisisid sa tubig! Buti talaga nahiram ko ang underwater camera ng pinsan ko. Kundi di ko makukuhanan ang mga pictures na ito!

Dami nila oh!

Fish sign sa ilalim ng dagat

Enjoy si tatay oh!

eto pa oh mas malinaw na kuha naman

aba si regil din oh

ganito lang naman sya kababaw

cutie! 

ganda no?

sa may malalim na part na ito

looks like a clown fish

bolang bilog

Nang mag sawa na kami dahil kokonti na lang pala kaming nag ssnorkel. Sabi ni Regil namumutla na daw ang labi ko dahil sa alat ng tubig dagat kaya na napilitan na akong umahon. Hehe! 

Bumalik kami sa isla. Nagpaluto kami ng sinigan na swordfish or esapada at inihaw na pusit. Habang naghihintay - namili kami ng mga pandagdag pasalubong. Well, para sakin pala haha! naubos na kasi yung mga binili ko dati e. Mahal na nga mga accessories, singsing,  bracelets, kwintas at hikaw. 

Paalala nga pala, magdala kayo ng tubig dun dahil wala silang tubig. Buti na lang may dala kaming sariling tubig namin.  

sarap kumain ng nakakamay!

Di namin namalayan na kami na lang pala ang tao sa isla hehe. Buti mabait si kuya di nya kami minamadali. Pero nagpasya na din kaming umuwi na ng makatulog haha! Ang sarap atang mag siesta! Kami na ang nauna tapos kami pa ang huling umalis. Sulit na sulit!

Eto ang bangka namin

Since napagod na sila, dumaan na lang kami sa Virgin Island. Laki ng pinagbago -private property na sya. :-( May bakod na yung isla. Though pwede namang magpapicture sa sandbar kaso ang daming vendors na dun nagbebenta ng sea urchins at kung ano anong shells. Di na sya katulad ng dati na kayo lang talaga ang tao. Nandito pala ang mga bangka na kasama namin. Sisiksikan sila dun.

kita nyo ba yung sand bar?

Syempre di mawawala ang group picture

Mahigit ala-una na hapon kami nakarating ng resort. Naligo muna kami sa swimming pool tapos naligo. At dahil dyan, sarap ng siesta namin!

Naenjoy talaga namin ang araw na ito. Ito ang rason kaya gusto kong bumalik ng Bohol e. Hindi naman ako binigo. Alam kong mas maraming magagandang corals sa Coron. Pero kaya ko gusto dito sa Bohol dahil mababaw lang ang snorkeling kung saan nakikita mo talaga ang mga isda sa habitat nila kahit patay na ang mga corals dun. Di katulad sa iba na malalim na kaya asul na lang makikita mo. Saka malalaking isda ang nasa itaas lang. For sure babalik ako ulit sa Bohol para dito.