Wednesday, July 24, 2013

Enchanting Bohol: Marine life

Saktong 5:00 ng umaga nagising ako sa alarm ko dahil 6 am ang call time ng bangka. Hahanapin ko pa si kuya at ang bangka nya.At dahil alam kong matagal bumangon si Regil nauna na akong mag ayos ng gamit na dadalhin namin. Pasado 5:30 na kami nakadating sa may restaurant ng resort. Yehey! Buffet breakfast ito - dati kasi plated breakfast lang samin e. Ang menu ay: 
  • Lugaw para sa sabaw
  • Daing na bangus
  • Itlog (choice mo kung sunny side up, scrambled or may onions at kamatis)
  • Tinapay (butter and jam)
  • Kapeng Barako or Orange juice

Ang sarap lahat ng pagkain pero parang di lang bagay ang lugaw para sa sabaw. Sana corn and mushroom, chicken soup or iba pa. Kanin din kasi yung lugaw diba?

Saktong 6am, tapos na kami kumain, hinanap na namin ang bangka namin. Lumakad kami sa kaliwang bahagi ng resort. Bawal kasi magpark ang mga bangka sa tapat mismo ng Dumaluan na isang magandang dahilan para mapanatili ang ganda ng harapan nila. Sabi ni ate Kathy nung gabi hanapin daw namin si Marven at Marie ang pangalan ng bangka namin. Nakita naman nya agad kami kaya pumunta na kami sa bangka namin. 


Saan kami patungo?

Una naming ginawa ang Dolphin watching, pagdating namin dun ang dami nang bangka siguro around 30-50 boats ang nandun. Kung sila hinahabol nila ang appearance ng dolphins, kami nakatahimik lang sa isang  gabi, twice sila lumitaw sa tabi ng boat namin... sobrang lapit nila at ang laki! haha! Hindi ko na napicturan ang bilis din kasi nila e. 

Umalis na din kami agad kasi ng qouta naman na kami sa dolphins, last na punta kasi namin napakalayo nila kaya di ko na din halos nakita. Buti this time sila na ang lumapit sa boat namin.

Pumunta na kami sa Balicasag - eto pinakafavorite kong part ng tour eh. Mag snorkeling! :-) Bumaba muna kami sa isla para ilagay ang mga gamit namin at umorder ng 2 pang aqua shoes para kina nanay.
Excited na sila oh!

 Tapos hinatid na kami ng mas maliit na bangka sa site. Dati hindi ganun, di na nga kami nagrent ng bangka na maliit e. basta baba na lang kami sa bangka - kaya siguro nasira ang mga corals dahil dun. Pinagkaiba lang nung huling pumunta kami may mga corals pang malalaki, ngayon wala na. :-( 
picture picture muna bago magpakain ng mga isda

Napakadami pa ring isda. Bawal daw kasing manguha dun. May tour guide kaming kasama si kuya Jovert, tourguide/bangkero/lifeguard/photographer ang peg ni kuya! Ang tagal nya sumisisid sa tubig! Buti talaga nahiram ko ang underwater camera ng pinsan ko. Kundi di ko makukuhanan ang mga pictures na ito!

Dami nila oh!

Fish sign sa ilalim ng dagat

Enjoy si tatay oh!

eto pa oh mas malinaw na kuha naman

aba si regil din oh

ganito lang naman sya kababaw

cutie! 

ganda no?

sa may malalim na part na ito

looks like a clown fish

bolang bilog

Nang mag sawa na kami dahil kokonti na lang pala kaming nag ssnorkel. Sabi ni Regil namumutla na daw ang labi ko dahil sa alat ng tubig dagat kaya na napilitan na akong umahon. Hehe! 

Bumalik kami sa isla. Nagpaluto kami ng sinigan na swordfish or esapada at inihaw na pusit. Habang naghihintay - namili kami ng mga pandagdag pasalubong. Well, para sakin pala haha! naubos na kasi yung mga binili ko dati e. Mahal na nga mga accessories, singsing,  bracelets, kwintas at hikaw. 

Paalala nga pala, magdala kayo ng tubig dun dahil wala silang tubig. Buti na lang may dala kaming sariling tubig namin.  

sarap kumain ng nakakamay!

Di namin namalayan na kami na lang pala ang tao sa isla hehe. Buti mabait si kuya di nya kami minamadali. Pero nagpasya na din kaming umuwi na ng makatulog haha! Ang sarap atang mag siesta! Kami na ang nauna tapos kami pa ang huling umalis. Sulit na sulit!

Eto ang bangka namin

Since napagod na sila, dumaan na lang kami sa Virgin Island. Laki ng pinagbago -private property na sya. :-( May bakod na yung isla. Though pwede namang magpapicture sa sandbar kaso ang daming vendors na dun nagbebenta ng sea urchins at kung ano anong shells. Di na sya katulad ng dati na kayo lang talaga ang tao. Nandito pala ang mga bangka na kasama namin. Sisiksikan sila dun.

kita nyo ba yung sand bar?

Syempre di mawawala ang group picture

Mahigit ala-una na hapon kami nakarating ng resort. Naligo muna kami sa swimming pool tapos naligo. At dahil dyan, sarap ng siesta namin!

Naenjoy talaga namin ang araw na ito. Ito ang rason kaya gusto kong bumalik ng Bohol e. Hindi naman ako binigo. Alam kong mas maraming magagandang corals sa Coron. Pero kaya ko gusto dito sa Bohol dahil mababaw lang ang snorkeling kung saan nakikita mo talaga ang mga isda sa habitat nila kahit patay na ang mga corals dun. Di katulad sa iba na malalim na kaya asul na lang makikita mo. Saka malalaking isda ang nasa itaas lang. For sure babalik ako ulit sa Bohol para dito. 




No comments:

Post a Comment