Tuesday, July 16, 2013

Birthday Surprise: Epic fail

For the first time, epic fail ang birthday surprise ko sa kanya. Kasi last minute ko lang naisip to. For the past 9 years ngayon lang ako walang plano. Haha! Naubusan na din siguro ako ng ideas. Mas focus kasi ako sa itinerary ng Bohol-Cebu trip namin.  Ang bilis ng araw wala akong naplano sa araw mismo ng birthday nya.


cto: http://kainankorner.blogspot.com/2011/11/whatta-tops.html

I brought the tops cupcake from Manila and hindi ko kinain kahit gutom na ako. Nagrereklamo pa sya kung bakit ang dami ko daw dalang damit. Di nya alam nakabalot yun sa mga damit ko. Sunget!

Bakit naging epic fail?

Ang aga kong gumising 30 mins bago ang wake up time. Dahan dahan pa akong nagbukas ng bag at binuksan isa isa ang mga cupcakes. Nung buksan ko ang candles nabali ang lette "I" at "R". Buti na lang pwedeng gawan ng paraan. Kaya 'BDAY" na lang instead of "BIRTHDAY". Isa isa kong sinindihan ang mga candles ng posporong pinuslit kong bilhin nung gabi sa tindahan sa kabilang resort bago kami kumain.

At dahil sa sobrang dami ng candles nasa letter 'D' palang ako, lusaw na ang letter 'H'. Tapos ang tagal

pa nyang bumangon. Kundi ko pa sinabing lusaw na yung mga candles nya di pa babangon. Konting candles na lang tuloy yung nahipan nya.



But this is the most touching part, when his parents go inside and sing a 'Happy birthday' song to him. Ang sweet lang... :-) Hope this might be one of his BEST birthday ever kahit failure ang surprise ko.

Lesson learned: Next time wag na lang sindihan ang mga letters dahil mabilis malusaw.

2 comments:

  1. Next time huwag na magplano ng gala sa birthday niya para focus ka sa surprise! :P

    ReplyDelete