Monday, July 15, 2013

Day 1: Nanay Ine's First Flight

Last Thursday, excited na kami sa unang sakay ng Nanay ni Ygy sa eroplano. Malapit na ang birthday nya and we decided na isama ang nanay at tatay nya sa pagdiriwang na ito.


Medyo matraffic na nung araw na yun, kaya muntik na kaming malast call sa check - in buti na lang may senior citizen na booth. Special lane para sa mga may kapansanan at matatanda.

Nasa row 5 pa kami - ganda ng pwesto namin. On time ang flight namin nag take off galing Manila papuntang Bohol, kaming 3 sa aisle tapos si Ygy sa kabilang side pero wala syang kasama sa upuan  kaya nung nasa himapawid na ang eroplano at ang seat belf sign ay natanggal na. Lumipat ako sa kabila.


Nakakatuwa yung dalawa naming kasama kasi pagdaan ng mga snacks, abay namili ba naman.bumili ng tubig, chippy, ensaymada at kape. Niloloko nga namin na isang oras lang naman yung byahe, para tuloy silang nagpicnic.


May palaro sa byahe ang Cebupac so nanalo ako ng bag tag... Ang topic ay about sa tao, pagkain, ativity na masarap gawin sa panahon ng tag ulan. Ang tanong sakin ay kung anong sports ang masarap laruin pag umuulan. Ang tamang sagot at "water rafting"

Nadelayed ang byahe namin pababa, wala pang 10 ay nasa himpapwid na kami ng Tagbilaran ngunit hindi pa pwedeng bumaba dahil sa air traffic.

Sa wakas, tagumpay naman ang unang sakay ni Nanay Ine sa eroplano. 

No comments:

Post a Comment