Welcome to Tagbilaran Nanay and Tatay |
Paglabas namin ng airport, nakita namin ang pangalan ni Regil. Natuwa parents nya kasi syempre di nila expected yu. Kahit si Regil, akala nya siguro pangalan ko ang nakalagay hahaha! Sorry sila naunahan ko sila. Nagpakilala samin si Kuya Michael, sya daw ang tourguide/driver/photographer namin sa araw na yun. Syempre c/o Ms. Kathy/Kuya Tatsky sila. Kinuha nya yung sasakyan nya na Toyota Altis at nilagay ang mga gamit na dala namin sa likod.
Umpisa palang sinabihan na kami ni Kuya na baka di na daw namin mapuntahan ang Hinagdanan cave dahil pasado alas diyes medya na nun ng umaga. Sabi namin ok lang kasi may mga senior citizen naman kaming kasama.
Una naming pinuntahan ay ang 'fake' Blood Compact site in Barangay Bool, Tagbilaran City. Fake siyang tinatawag dahil akala nila yun ang original pero base sa pag aaral di pala talaga dun. Pero dun ang pinakamaganda dahil nga may shrine dun. Madaming nagbebenta ng souvenirs dito. Mura naman ata. Sana nga bumili na ako ng hat dito, 100 lang. May magpipicture sayo tapos pag paalis ka na ibebenta nila sayo. Sa tatlong kuha samin isa lang ang maganda. Pano ba naman sana sinabi nilang ipriprint nila yun. Saka ang mahal 100 ang isang copy. Ginto ah! may template lang nakalagay.
TRIVIA: Malalaman mo sa statue kung sino dun ang pinoy sa paghawak ng baso! hehe!
TRIVIA: Malalaman mo sa statue kung sino dun ang pinoy sa paghawak ng baso! hehe!
Fake Blood Compact |
Next naming pinuntahan ang Baclayon church, pangatlong pinakamatandang simbahan sa bansa. Kakaiba dito ay dahil may picture ni Padre Pio sa isang wall. Nagdasal kami sandali dito, di na kami pumasok ng museum dahil bawal naman ang picture sa loob. May nakita kaming lalake na sinundot nya yung bills sa donation box. Ang bilis nya nakuha yung nasabit siguro dun. Nireport namin dun sa nagbabantay.
Inside the Baclayon church
Can you see the image of Padre Pio in the wall?
Next Stop is the Prony the python, biggest in the country. Hindi pala kami nakapagpicture dito. Sigh! Though meron naman na kami last time. Develop na ngayon ang place. Si Marimar andun pa rin hehe.. Di nga lang sya nagsayaw katulad last time.
Dumaan lang kami sa Original Blood Compact site, para lang syang libingan. Di na nga kami bumaba e. Nagpicture lang sa labas ng bintana ng kotse.
Original Blood Compact
Sumunod naming pinuntahan ay ang Butterfly Farm, di na kami pumunta sa sa Butterfly Conservation. Magaling yung guide namin dun sa loob. Marami syang information na sinabi samin. May creative shot pa ako. oh
Butterfly farm
Gutom na kami, so lunch time na. Sa Loboc Floating resto kami kakain. SInasuggest ni Kuya ang Rio Verde kasi mas masarap daw ang food duon. pero magdadadagdag pa kami ng 100 each kasi 550 sya. di na kami pumayag, Sayang din yun no.
Loboc River Cruise
Bumaba kami sa isang raft - Nakitugtog ng ukelele at nakisayaw ng tinikling. Sobrang saya lang. Yung experience naman talaga binayaran mo dun e. Ang food di ganung kasarap talaga pero pwede na din. :-)
Loboc raft
Pagkakain pumunta na kami sa Tarsier Conservation Area - buti naman isang place na lang sila ngaun - dati kasi parang garden lang. Saka ngayon isang lgar na lang daw merong tarsier di tulad dati na hiwa hiwalay sila.
Tarsier Conservation Area
May nabasa akong blog, dapat daw may visiting hours ang mga tarsier, siguro maganda gawing 4-7pm siguro or 3-6PM para naman nakakatulog parin sila sa araw. Nocturnal kasi sila e. Sa gabi sila gising katulad ng mga kwago. Bawal ang flash ng camera, maingay at bawal silang hawakan. Sensitive kasi sila. Nagsusuicide din sila kaya dapat nating ingatan.
Madadaanan ang Man-Made forest papuntang Chocolate hills, bumaba kami saglit apra magpapicture. Tinanim ang mga punong mahogany para pampigil ng baha sa Loboc, dati daw kasi pag tumataas ang tubig sa loboc river, bumabaha sa lugar.
Isa pang dinaanan namin ay ang Shiphaus, hugis barko na bahay sa harapan. Una ko tong nakita sa Rated K. Hindi pa ata siya nakatayo nung pumunta kami sa Bohol dati. Yung harap ng bahay nya ay pinadesenyo nyang barko dahil isang sea man ang may ari ng bahay na ito.
Eto na ang isang highlight ng aming paglilibot - ang Chocolate hills. Alam nyo bang 1,260 burol meron tayo? Natatabunan sya ng kulay Green na damo at nagiging kulay Brown sa tag araw kaya nagiging parang tsokolate. Natuklasan din namin na ang Chocolate hills at mga gawa sa corals kaya di sya tinutubuan ng puno. Kung paano nangyari yun? sabi ng tour guide namin lubog daw kasi sa dagat dati ang Bohol. Milyon milyong taon na ang nakalipas.
Chocolate Hills
May platform na sila ngayon para sa mga jumpshot na katulad nito.
Ang saya dito
Huli naming pinuntahan ang Hanging Bridge - nakakatuwa! Dalawa na sila ngayon. Isang entrance tapos yung kabila ay exit. Dito mura ang mga peanut kisses. 140 for 16 pcs.
Hanging bridge
Dumaan din pala kami sa Aproniana Gift shop - dito nya kami dinala for souvenir shopping (may 10% discount kami) Hindi nga lang kami nakapag picture kasi nagmamadali na kaming magshoipping dahil pasara na din sila.
Tapos dumaan kami sa Bohol Bee Farm, sarado na ang farm kaya kumain na lang kami. Kunsabay eto naman talaga ang pinunta namin dito. Namiss ko ang flower salad nila at ang iba pang organic na pagkain. Best seller din ang malunggay at tomato ice cream nila. Ganda na ng ambiance dito. Lumaki na, may maayos nang parking, at madami nang mga lamesa sa loob. Dati kasi maliit lang area nila e. At syempre nagmahal na ang mga food hehe. Umorder na lang kami ng group meal, may chicken, pasta, pizza, 3 bowl of ice cream, 3 chillers, at ang signature nilang salad. Good for 3 na yan ah. Umorder na lang kaming blue marlin at additional salad pa.
signature salad |
ambiance in the BBF
Mga 9:30 na ng gabi kami nakapag check in sa Dumaluan. Kelangang maagang matulog dahil maaga pa ang sea tour kinabukasan. hehe!
No comments:
Post a Comment