Monday, July 29, 2013

Citibank Freebies

Sa loob ng tatlong araw, naka 2 freebies ako sa Citibank. Una, I got free oven toaster dahil bumili kami ng worth 25k sa isang store. Na-stress pa nga ako dito dahil di agad sinabi nung Sales agent. Tinawag ko lang hehe! eto sya oh!

Next naman I got this treat ulit from Citibank for only 2.00... I got 3 boxes, I gave one box for my friend Laurene, yung natira dinala ko sa office namin. E di dalawang gabi din naming itong kinain dahil apat ang laman ng isang box. Dalawang flavors sya, isang hazelnut at pistachio. :-) Sarap ng libre hehe!


Wednesday, July 24, 2013

Enchanting Bohol: Marine life

Saktong 5:00 ng umaga nagising ako sa alarm ko dahil 6 am ang call time ng bangka. Hahanapin ko pa si kuya at ang bangka nya.At dahil alam kong matagal bumangon si Regil nauna na akong mag ayos ng gamit na dadalhin namin. Pasado 5:30 na kami nakadating sa may restaurant ng resort. Yehey! Buffet breakfast ito - dati kasi plated breakfast lang samin e. Ang menu ay: 
  • Lugaw para sa sabaw
  • Daing na bangus
  • Itlog (choice mo kung sunny side up, scrambled or may onions at kamatis)
  • Tinapay (butter and jam)
  • Kapeng Barako or Orange juice

Ang sarap lahat ng pagkain pero parang di lang bagay ang lugaw para sa sabaw. Sana corn and mushroom, chicken soup or iba pa. Kanin din kasi yung lugaw diba?

Saktong 6am, tapos na kami kumain, hinanap na namin ang bangka namin. Lumakad kami sa kaliwang bahagi ng resort. Bawal kasi magpark ang mga bangka sa tapat mismo ng Dumaluan na isang magandang dahilan para mapanatili ang ganda ng harapan nila. Sabi ni ate Kathy nung gabi hanapin daw namin si Marven at Marie ang pangalan ng bangka namin. Nakita naman nya agad kami kaya pumunta na kami sa bangka namin. 


Saan kami patungo?

Una naming ginawa ang Dolphin watching, pagdating namin dun ang dami nang bangka siguro around 30-50 boats ang nandun. Kung sila hinahabol nila ang appearance ng dolphins, kami nakatahimik lang sa isang  gabi, twice sila lumitaw sa tabi ng boat namin... sobrang lapit nila at ang laki! haha! Hindi ko na napicturan ang bilis din kasi nila e. 

Umalis na din kami agad kasi ng qouta naman na kami sa dolphins, last na punta kasi namin napakalayo nila kaya di ko na din halos nakita. Buti this time sila na ang lumapit sa boat namin.

Pumunta na kami sa Balicasag - eto pinakafavorite kong part ng tour eh. Mag snorkeling! :-) Bumaba muna kami sa isla para ilagay ang mga gamit namin at umorder ng 2 pang aqua shoes para kina nanay.
Excited na sila oh!

 Tapos hinatid na kami ng mas maliit na bangka sa site. Dati hindi ganun, di na nga kami nagrent ng bangka na maliit e. basta baba na lang kami sa bangka - kaya siguro nasira ang mga corals dahil dun. Pinagkaiba lang nung huling pumunta kami may mga corals pang malalaki, ngayon wala na. :-( 
picture picture muna bago magpakain ng mga isda

Napakadami pa ring isda. Bawal daw kasing manguha dun. May tour guide kaming kasama si kuya Jovert, tourguide/bangkero/lifeguard/photographer ang peg ni kuya! Ang tagal nya sumisisid sa tubig! Buti talaga nahiram ko ang underwater camera ng pinsan ko. Kundi di ko makukuhanan ang mga pictures na ito!

Dami nila oh!

Fish sign sa ilalim ng dagat

Enjoy si tatay oh!

eto pa oh mas malinaw na kuha naman

aba si regil din oh

ganito lang naman sya kababaw

cutie! 

ganda no?

sa may malalim na part na ito

looks like a clown fish

bolang bilog

Nang mag sawa na kami dahil kokonti na lang pala kaming nag ssnorkel. Sabi ni Regil namumutla na daw ang labi ko dahil sa alat ng tubig dagat kaya na napilitan na akong umahon. Hehe! 

Bumalik kami sa isla. Nagpaluto kami ng sinigan na swordfish or esapada at inihaw na pusit. Habang naghihintay - namili kami ng mga pandagdag pasalubong. Well, para sakin pala haha! naubos na kasi yung mga binili ko dati e. Mahal na nga mga accessories, singsing,  bracelets, kwintas at hikaw. 

Paalala nga pala, magdala kayo ng tubig dun dahil wala silang tubig. Buti na lang may dala kaming sariling tubig namin.  

sarap kumain ng nakakamay!

Di namin namalayan na kami na lang pala ang tao sa isla hehe. Buti mabait si kuya di nya kami minamadali. Pero nagpasya na din kaming umuwi na ng makatulog haha! Ang sarap atang mag siesta! Kami na ang nauna tapos kami pa ang huling umalis. Sulit na sulit!

Eto ang bangka namin

Since napagod na sila, dumaan na lang kami sa Virgin Island. Laki ng pinagbago -private property na sya. :-( May bakod na yung isla. Though pwede namang magpapicture sa sandbar kaso ang daming vendors na dun nagbebenta ng sea urchins at kung ano anong shells. Di na sya katulad ng dati na kayo lang talaga ang tao. Nandito pala ang mga bangka na kasama namin. Sisiksikan sila dun.

kita nyo ba yung sand bar?

Syempre di mawawala ang group picture

Mahigit ala-una na hapon kami nakarating ng resort. Naligo muna kami sa swimming pool tapos naligo. At dahil dyan, sarap ng siesta namin!

Naenjoy talaga namin ang araw na ito. Ito ang rason kaya gusto kong bumalik ng Bohol e. Hindi naman ako binigo. Alam kong mas maraming magagandang corals sa Coron. Pero kaya ko gusto dito sa Bohol dahil mababaw lang ang snorkeling kung saan nakikita mo talaga ang mga isda sa habitat nila kahit patay na ang mga corals dun. Di katulad sa iba na malalim na kaya asul na lang makikita mo. Saka malalaking isda ang nasa itaas lang. For sure babalik ako ulit sa Bohol para dito. 




Tuesday, July 23, 2013

Enchanting Bohol: Country side tour

After almost 20 minutes na paikot ikot sa himpapawid nagkalanding na kami. May air traffic daw kasi sa Tagbilaran airport. Akala nyo sa lupa lang may traffic no?


Welcome to Tagbilaran Nanay and Tatay

Paglabas namin ng airport, nakita namin ang pangalan ni Regil. Natuwa parents nya kasi syempre di nila expected yu. Kahit si Regil, akala nya siguro pangalan ko ang nakalagay hahaha! Sorry sila naunahan ko sila. Nagpakilala samin si Kuya Michael, sya daw ang tourguide/driver/photographer namin sa araw na yun. Syempre c/o Ms. Kathy/Kuya Tatsky sila. Kinuha nya yung sasakyan nya na Toyota Altis at nilagay ang mga gamit na dala namin sa likod. 

Umpisa palang sinabihan na kami ni Kuya na baka di na daw namin mapuntahan ang Hinagdanan cave dahil pasado alas diyes medya na nun ng umaga. Sabi namin ok lang kasi may mga senior citizen naman kaming kasama. 

Una naming pinuntahan ay ang 'fake' Blood Compact site in  Barangay Bool, Tagbilaran City. Fake siyang tinatawag dahil akala nila yun ang original pero base sa pag aaral di pala talaga dun. Pero dun ang pinakamaganda dahil nga may shrine dun. Madaming nagbebenta ng souvenirs dito. Mura naman ata. Sana nga bumili na ako ng hat dito, 100 lang. May magpipicture sayo tapos pag paalis ka na ibebenta nila sayo. Sa tatlong kuha samin isa lang ang maganda. Pano ba naman sana sinabi nilang ipriprint nila yun. Saka ang mahal 100 ang isang copy. Ginto ah! may template lang nakalagay. 

TRIVIA: Malalaman mo sa statue kung sino dun ang pinoy sa paghawak ng baso! hehe!



Fake Blood Compact


Next naming pinuntahan ang Baclayon church, pangatlong pinakamatandang simbahan sa bansa. Kakaiba dito ay dahil may picture ni Padre Pio sa isang wall. Nagdasal kami sandali dito, di na kami pumasok ng museum dahil bawal naman ang picture sa loob. May nakita kaming lalake na sinundot nya yung bills sa donation box. Ang bilis nya nakuha yung nasabit siguro dun. Nireport namin dun sa nagbabantay. 

Inside the Baclayon church

Can you see the image of Padre Pio in the wall?

Next Stop is the Prony the python, biggest in the country. Hindi pala kami nakapagpicture dito. Sigh! Though meron naman na kami last time. Develop na ngayon ang place. Si Marimar andun pa rin hehe.. Di nga lang sya nagsayaw katulad last time. 

Dumaan lang kami sa Original Blood Compact site, para lang syang libingan. Di na nga kami bumaba e. Nagpicture lang sa labas ng bintana ng kotse. 

Original Blood Compact

Sumunod  naming pinuntahan ay ang Butterfly Farm, di na kami pumunta sa sa Butterfly Conservation. Magaling yung guide namin dun sa loob. Marami syang information na sinabi samin. May creative shot pa ako. oh
Butterfly farm

Gutom na kami, so lunch time na. Sa Loboc Floating resto kami kakain. SInasuggest ni Kuya ang Rio Verde kasi mas masarap daw ang food duon. pero magdadadagdag pa kami ng 100 each kasi 550 sya. di na kami pumayag, Sayang din yun no.



Loboc River Cruise

Bumaba kami sa isang raft - Nakitugtog ng ukelele at nakisayaw ng tinikling. Sobrang saya lang. Yung experience naman talaga binayaran mo dun e. Ang food di ganung kasarap talaga pero pwede na din. :-)






Loboc raft 


Pagkakain pumunta na kami sa Tarsier Conservation Area - buti naman isang place na lang sila ngaun - dati kasi parang garden lang. Saka ngayon isang lgar na lang daw merong tarsier di tulad dati na hiwa hiwalay sila.





Tarsier Conservation Area

May nabasa akong blog, dapat daw may visiting hours ang mga tarsier, siguro maganda gawing 4-7pm siguro or 3-6PM para naman nakakatulog parin sila sa araw. Nocturnal kasi sila e. Sa gabi sila gising katulad ng mga kwago. Bawal ang flash ng camera, maingay at bawal silang hawakan. Sensitive kasi sila. Nagsusuicide din sila kaya dapat nating ingatan.





Madadaanan ang Man-Made forest papuntang Chocolate hills, bumaba kami saglit apra magpapicture. Tinanim ang mga punong mahogany para pampigil ng baha sa Loboc, dati daw kasi pag tumataas ang tubig sa loboc river, bumabaha sa lugar. 



Isa pang dinaanan namin ay ang Shiphaus, hugis barko na bahay sa harapan. Una ko tong nakita sa Rated K. Hindi pa ata siya nakatayo nung pumunta kami sa Bohol dati. Yung harap ng bahay nya ay pinadesenyo nyang barko dahil isang sea man ang may ari ng bahay na ito.



Eto na ang isang highlight ng aming paglilibot - ang Chocolate hills. Alam nyo bang  1,260 burol meron tayo? Natatabunan sya ng kulay Green na damo at nagiging kulay Brown sa tag araw kaya nagiging parang tsokolate. Natuklasan din namin na ang Chocolate hills at mga gawa sa corals kaya di sya tinutubuan ng puno. Kung paano nangyari yun? sabi ng tour guide namin lubog daw kasi sa dagat dati ang Bohol. Milyon milyong taon na ang nakalipas. 

Chocolate Hills

May platform na sila ngayon para sa mga jumpshot na katulad nito.





Ang saya dito



Huli naming pinuntahan ang Hanging Bridge - nakakatuwa! Dalawa na sila ngayon. Isang entrance tapos yung kabila ay exit. Dito mura ang mga peanut kisses. 140 for 16 pcs. 


Hanging bridge

Dumaan din pala kami sa Aproniana Gift shop - dito nya kami dinala for souvenir shopping (may 10% discount kami) Hindi nga lang kami nakapag picture kasi nagmamadali na kaming magshoipping dahil pasara na din sila.


Tapos dumaan kami sa Bohol Bee Farm, sarado na ang farm kaya kumain na lang kami. Kunsabay eto naman talaga ang pinunta namin dito. Namiss ko ang flower salad nila at ang iba pang organic na pagkain. Best seller din ang malunggay at tomato ice cream nila. Ganda na ng ambiance dito. Lumaki na, may maayos nang parking, at madami nang mga lamesa sa loob. Dati kasi maliit lang area nila e. At syempre nagmahal na ang mga food hehe. Umorder na lang kami ng group meal, may chicken, pasta, pizza, 3 bowl of ice cream, 3 chillers, at ang signature nilang salad. Good for 3 na yan ah. Umorder na lang kaming blue marlin at additional salad pa.
signature salad 

ambiance in the BBF

Mga 9:30 na ng gabi kami nakapag check in sa Dumaluan. Kelangang maagang matulog dahil maaga pa ang sea tour kinabukasan. hehe! 



Tuesday, July 16, 2013

Birthday Surprise: Epic fail

For the first time, epic fail ang birthday surprise ko sa kanya. Kasi last minute ko lang naisip to. For the past 9 years ngayon lang ako walang plano. Haha! Naubusan na din siguro ako ng ideas. Mas focus kasi ako sa itinerary ng Bohol-Cebu trip namin.  Ang bilis ng araw wala akong naplano sa araw mismo ng birthday nya.


cto: http://kainankorner.blogspot.com/2011/11/whatta-tops.html

I brought the tops cupcake from Manila and hindi ko kinain kahit gutom na ako. Nagrereklamo pa sya kung bakit ang dami ko daw dalang damit. Di nya alam nakabalot yun sa mga damit ko. Sunget!

Bakit naging epic fail?

Ang aga kong gumising 30 mins bago ang wake up time. Dahan dahan pa akong nagbukas ng bag at binuksan isa isa ang mga cupcakes. Nung buksan ko ang candles nabali ang lette "I" at "R". Buti na lang pwedeng gawan ng paraan. Kaya 'BDAY" na lang instead of "BIRTHDAY". Isa isa kong sinindihan ang mga candles ng posporong pinuslit kong bilhin nung gabi sa tindahan sa kabilang resort bago kami kumain.

At dahil sa sobrang dami ng candles nasa letter 'D' palang ako, lusaw na ang letter 'H'. Tapos ang tagal

pa nyang bumangon. Kundi ko pa sinabing lusaw na yung mga candles nya di pa babangon. Konting candles na lang tuloy yung nahipan nya.



But this is the most touching part, when his parents go inside and sing a 'Happy birthday' song to him. Ang sweet lang... :-) Hope this might be one of his BEST birthday ever kahit failure ang surprise ko.

Lesson learned: Next time wag na lang sindihan ang mga letters dahil mabilis malusaw.

Monday, July 15, 2013

Day 1: Nanay Ine's First Flight

Last Thursday, excited na kami sa unang sakay ng Nanay ni Ygy sa eroplano. Malapit na ang birthday nya and we decided na isama ang nanay at tatay nya sa pagdiriwang na ito.


Medyo matraffic na nung araw na yun, kaya muntik na kaming malast call sa check - in buti na lang may senior citizen na booth. Special lane para sa mga may kapansanan at matatanda.

Nasa row 5 pa kami - ganda ng pwesto namin. On time ang flight namin nag take off galing Manila papuntang Bohol, kaming 3 sa aisle tapos si Ygy sa kabilang side pero wala syang kasama sa upuan  kaya nung nasa himapawid na ang eroplano at ang seat belf sign ay natanggal na. Lumipat ako sa kabila.


Nakakatuwa yung dalawa naming kasama kasi pagdaan ng mga snacks, abay namili ba naman.bumili ng tubig, chippy, ensaymada at kape. Niloloko nga namin na isang oras lang naman yung byahe, para tuloy silang nagpicnic.


May palaro sa byahe ang Cebupac so nanalo ako ng bag tag... Ang topic ay about sa tao, pagkain, ativity na masarap gawin sa panahon ng tag ulan. Ang tanong sakin ay kung anong sports ang masarap laruin pag umuulan. Ang tamang sagot at "water rafting"

Nadelayed ang byahe namin pababa, wala pang 10 ay nasa himpapwid na kami ng Tagbilaran ngunit hindi pa pwedeng bumaba dahil sa air traffic.

Sa wakas, tagumpay naman ang unang sakay ni Nanay Ine sa eroplano. 

Tuesday, July 9, 2013

Cebu Pacific





This morning I received an email from Cebu Pacific as follows:

"Cebu Pacific would like to inform you that your flight has been cancelled due to aircraft situation. However, we have mounted another flight which you may take in lieu of the cancelled flight. "

Bigla akong nagpanic, ito ang flight namin sa Sunday, July 14, 2013. Tawag ako agad sa hotline number nila. Ang nangyari pala ang original departure date namin na 8:50 ay naging 8:15 ng gabi. Sabi ko nga kakaprint ko lang ng itinerary nung nakaraang linggo so bakit ngayon lang ang email notification nila. Buti naman ganun lang. Ayoko kasing mahassle ng rebooking or something. So far, wala akong ganung karanasan sa Cebupac. Sana naman wala dahil frequent akong client nila lalo na sa seat sales. Ayun buti ok naman ang lahat.. Excited na nga ako e.. Madami akong makwekwento nun tiyak....

Nabasa ko ang email ni Regil, nagpapabook sila ng Boracay sa September dahil may event ang OBS nun. Nagsilip ako ng lahat ng domestic airlines. Pinaka last ko yung cebupac pero yun ang pinakamura na nakuha ko. Kaya lang panget ang mg flight schedules, 4AM ang alis pabalik ng Manila? Kumusta naman diba? kaya tinigil ko na maghanap hehe.. Bigla kong naisip na icheck kung magkano ang ticket price ng same dates namin para sa Singapore sa November. Ibobook ko sana yung dalawa kong kaibigan na si Sheila at Jovy. Malay mo mas mura sa cebupac kesa sa Jetstar. BINGO! may seat sale nga. Last week 10K ang isa nung nag tingin kami. Kanina 12k dalawa na sila. Same time ng papunta at pauwi namin. Ayun text, message sa fb hanggang sa tinawagan ko na sila. Bago mag midnight yun, buti nagising naman sila. In short, nabook ko sila. Tuloy na ang SG trip namin sa November. Ang saya! nag plaplano na agad sila.. :-)

Akalain mo yun, di ko naisip na makakapagbook pa kami ng ganung dates na mura.. Buti na lang hehe.

Birthday Candles

Two days before our trip, I hit mall for some errands. Napadaan din ako sa NBS kanina sa may SM Centerpoint. Eto ang nabili ko...


Sa halos 8 birthdays na nag daan, naubusan  na ako ng ideas. At saka nakakadala mag effort ng surprises e.. ☺ Eto simple lang. Ang mga candles na yan ay ilalagay ko lang sa cupcakes. Haha! Ang tipid diba... :-) ganung kasimpleng effort at gastos. Ang importante ay magkasama kami sa araw na yun. Sa mga kaibigan nya at kaibigan ko.. Wag kayong spoiler ah..  Babalitaan ko kayo kung anong nangyari..

Monday, July 8, 2013

99th Monthsary

Since otso ng bwan ngayon, ito ang aming ika 99 na monthsary. Bago kami magkita kami ni Regil (ang aking hun) sa Megamall. Dumaan muna ako sa Robinson's Galleria para mamili ng mga kakailanganin pa para sa trip namin. Saka time for Lay bare at sinabihan ako na may free eyebrow  ako sa birthday month ko at 15% off daw sa iba pang services. 


Bumili din kami ng bago nyang board shorts at binilan din namin si nanay nya ng beach blouse. Excited ako sa trip na to dahil kasama namin ang parents nya. At syempre dahil dun din kami magcecelebrate ng bday ni Regil. Isa sa pinapaborito kong lugar sa bansa. 

Nanood kami ng Despicable Me 2, last Saturday sana kasama ang dalawa kong thesis gf na sila Sheila at Jovy kaso sold out na ang mga sinehan nun sa SM North. Ayun, nagkaroon tuloy kami ng papanoorin ni Regil... 

credits to http://www.filmofilia.com

Sobra syang nakakaaliw.. Buong palabas ata tawa ako ng tawa e... Pan tanggal talaga ng stress ang pelikulang ito, Ang cute talaga nila. Hindi lang ako nakiuso sa pagbili ng happy meal ng Mcdo sa minions. Sarap ulitin! 

Dreams do come true

This is my first post.. :-) May blog na ako dati kaso di ko naman nabigyan ng time. Ang dami kong gustong isulat di ko naman maasikaso.. Sana ito magtuloy tuloy na... ^_^

Excited to go to Hongkong Disneyland.
credits to http://park.hongkongdisneyland.com

credits to http://www.takemetotravel.com

Ginising ako ng kaibigan kong si Rish-i kaninang umaga... Nag aayang mag Hongkong.. May seat sale daw sa Air Asia 
credits to http://www.airasia.com

So ako naexcite bigla. Mega inform na ako sa iba pa naming kaibigan. Ang ending nakabook kaming walo (Ako, Regil, Rishi, Neil, Sheila, Jovy, Eve and Bri). Mga kaibigan ko sila nung college sa PUP

Eto pala lang nag nakabook sakin next year... Naalala ko kasi, pangarap namin ito dati pa.. Akalain mo matutuloy na din sa wakas! Excited much.. 

Sana makasama din ang iba pa naming kaibigan na kasalukuyang nasa SG.